My crush
“Ang Pagkikita”
Ni: Mikko B. Mahinay
Nang ika’y una kong nakita
Ako’y nabighani bigla
Sa iyong ganda, ako’y napatulala
At sa isip ko hindi na mawalawala
Ano ba itong nararamdaman ko
Bakit sa isip ko’y lagi kang tumatakbo
Nahulog na nga ba ako
Sa isang angel na katulad mo
Nung tayo’y nagkakilala
Akala ko ako’y nasa langit na
At nakatagpo nang isang angel na isinumpa
Na galing sa langit papuntang lupa
At nung tayo’y sumayaw
Ako’y ‘di na halos makagalaw
Sa bawat minuto ika’y nais isayaw
Para malaman nilang sa’kin hindi ka nila maaagaw
Ako’y nakakaramdam ng kaba
At humihiling na sana’y hindi kana mawala
Dahil sa aking puso’t isip, ikaw na ang nakatira
At laging sumisigaw ng “ikaw,ikaw na talaga sinta.”
Nung sinabi kong gusto kita
Tugon mo’y “normal lang ‘yan sapagkat tayo’y bata pa”
Pwes, gugustuhin kong maging matanda
Upang mahalin ka, aking sinta
Comments
Post a Comment